Mama-san brightens up a dim world
Light talk with Yolly Someya
Back to previous page
Masaya
ka ba sa trabahong ito?
Kapag maganda ang pasok ng customer, masaya. May kita ka.
Pero kapag hima, masakit sa ulo kasi magpapasuweldo ka. Malaki
ang gastos sa isang buwanelectricity, gas, water, rent.
Sa Viva Star, palagi kaming nakakaraos, umiikot ang pera.
Dahil marami kaming bayarin, kasama na ang utang, ang sistema
ay nagsasahod lang ako buwan-buwan. Inipon ko ang sinahod
ko dito.
Nagbukas ulit kayo ng isa pang omise, Upstage, di ba?
Gusto kasi ng asawa kong magbukas ng isa pa, at ako rin naman.
Naghanap kami ng puwesto. Nang makita ko ang kasalukuyang
place ng Upstage (Tsuchiura City), na-in-love talaga ako.
Ang problema na lang pera. May naipon ako, pero ayaw kong
gamitin kasi baka kapag nangangailangan wala akong mahugot.
Kaya nangutang kami sa ate ko. Ang nangyari, asawa ko ang
nag-manage ng Viva Star, ako naman sa Upstage. Nang maghiwalay
kami ng trabaho, doon talaga ako sinuwerte. Mas free and decision
ko. Hindi naman sa hindi na siya nakikialam. Kapag may problema
sa talent, pumapasok siya.
Hindi ba nagsipaglipatan ang mga customer mo dito?
Noong una lang. Pero mas maraming bagong customer.
Anu-ano ang karaniwang nagiging problema sa omise?
May mga talent na matitigas ang ulo, hindi sumusunod sa patakaran.
Halimbaway nagde-date sila nang walang paalam o hindi
sa tamang oras. Bawal mag-escape sa madaling araw. Proteksyon
din nila dahil ayaw kong masira ang reputation dahil Pilipina
rin ako. Ang payo ko sa kanila, kung sasama kayong lumabas
doon na sa regular customer, hindi sa hindi namin kilala.
Paano ka pumipili ng babae? Anu-ano ang mga katangian
ng babaeng mahalaga para sa omise?
Maganda sa paningin ko. Physical appearance. May class system
ang babae pero kapag first-timer ay halos pareho lang ang
suweldo.
|
BAR LINGO
|
|
Arbaito(literally part-time
work) entertainers who are paid by the hour or day,
mainly Filipinas married to Japanese or overstaying
Filipinas
Chimamaentertainer who
is next in rank to the mama-san and manages the other
entertainers
Dohan(literally, to
accompany) to go out with a customer for a dinner date
or other unspecified activities outside working hours
and outside the club; also means to walk into the club
with customer/s in tow
Fuzoku(complete word
is fuzoku kyoka) police license for entertainment establishments
Majime(literally serious)
does not date customers outside or engage in prostitution
Palabancan be taken
out by customers
Paruparo--playboy
Request-backcommission
paid to the entertainer when she is requested to sit
on the table with customers
Shimei(literally, to
name a person) same as request-back
timera talent who has been to Japan more than
once
Tumerabbreviation for
customer; the Japanese term okyakusan is also commonly
used
Uriage(literally, sales)
commission paid to entertainer based on the amount of
food or drinks ordered by her customer
Zuttoliterally, continuously
or permanently; same as arbaito
|
Mas mabuti ba para sa iyo ang first-timer o ang repeater?
First-timer dahil mas madaling turuan at hindi malaki ang
ulo. Mas masarap hawakan. Ang timer, bukod sa mataas ang sahod,
sanay na sa trabaho, alam na rin kung paano manloko ng customer.
Nawawala ang customer ng club kapag ang talent ay puro beterana.
Ang timer lang na kinukuha ko ay alaga ko o nanggaling na
talaga sa akin.
Maliban sa sahod, ano pa ang ibang source of income ng
talent?
Ang regular na sahod ng first-timer ay $900. Maliban dito,
may request-back o shimei. May points din silabawat
customer, isang point. Nagkakabonus sila. May talent akong
nakaka-60 o 70 points kaya tumatanggap siya ng kulang-kulang
20 lapad maliban sa sahod.
Mahina raw ang mga omise ngayon.
Mahirap kumuha ng babae ngayon. Kung dati 1 month lang ang
releasing ng visa, ngayon 4 months mabilis na. Nagbukas nga
ako ng isa pang omise pero isinara ko rin dahil walang babae.
Mahigpit ang Immigration ngayon sa mga production, tsinitsek
nila kung talagang nagbabayad ng tax para sa declared Japanese
staff. Ang patakaran kasi 1 Japanese staff, 10 talents ang
makukuha. Ang promotion ng asawa ko 7 ang staff, pero ang
talent namin nasa 40 lang ngayon.
Anong strategy mo at hindi ka nagrereklamong hima?
Hindi ko alam, wala akong conscious plan o pakulo. Pero since
June, nagpahinga ako sa omise dahil nagkaka-allergy ako dahil
sa stress at kakulangan ng tulog. Unti-unting nawala ang customer,
40~50% down ang sales. Naging dark ang atmosphere. Nang umuwi
na ang pamangkin kong pinahawak ko pansamantala, bumalik ako
sa omise. Ngayon, balik na naman sa dati ang takbo ng negosyo.
Hinahanap pa rin ako ng customer.
Kailangan ba may magandang mama-san para pasukin ng customer
ang omise?
(Laughs.) Nasa management rin. Saka sa tingin ko, ang presence
ko nagbibigay ng inspiration sa mga talents para sila naman
ay magtrabaho nang mabuti. *
Back to top
|