Mama-san brightens up a dim world
Light talk with Yolly Someya
MANY
A FILIPINAS SUCCESS STORY in Japan is woven around a
small, glitzy world--the omise (night club). The Filipina
either makes or breaks it in this dimly lit world.
First coming to Japan when she was 17, Yolanda Yolly
Someya has spent the greater part of her life in such a world.
During her first time in Japan, she was drawn by its glitter.
As a young girl, she hawked vegetables in a small town in
Cagayan Valley with her mother. By the same dint of hard work,
she was able to conquer the dark of this night profession
with a radiant determination. Together with her husband, she
has established two big entertainment clubs in Ibaraki--one
in Tsukuba City and another in Tsuchiura City.
Shy and self-effacing, Yolly offers us a rare glimpse
into this oft-misunderstood profession. Not only is she weathering
the overall slump in the industry, she is actually coming
on top of it victoriously. Committed to the rules of decency
in her club, she proves that the secret to success in this
profession is offering clean entertainment. Having begun life
in Japan as a talent bedazzled by the dream of financial success,
she now serves as the luminous beacon to young women who hope
to strike gold in this literally dark world.
In this issue, PHILIPPINES TODAY presents a light interview
with a lady whose smile brightens the darkness. Read on.
Ikuwento mo ang unang punta mo sa Japan.
I first came to Japan as a talent in 1983 when I was turning
18, after high school and after enrolling for one year at
FEU . Pinapunta ako ng older sister ko na nauna na rito, married
to a Japanese promoter. Unang punta ko 4 months lang, dahil
ganoon lang ang length ng contract ko noon. Umuwi ako ng Pilipinas
at pinagpatuloy ko ang pag-aaral sa Araneta University, taking
Management. Hanggang 3rd year ako. When I was 19 going 20,
I decided to come back to Japan on student visa.
Nag-aral ako sa Tokyo ng Japanese language. Pero palagi kong
pinapasyalan ang ate ko noon dito sa Ibaraki, at dito ko na
nakilala ang asawa ko na kaibigan ng ate ko.
Paano ka nagsimula sa hanapbuhay na ito?
Naaalala ko 1990 noon, habang nagtatrabaho pa ako sa omise
na pag-aari ng ate ko, nagkaideya ang asawa ko na magtatayo
na lang kami ng sariling omise at siya na lang ang maglalabas
ng pampuhunan. Nagprovide ng talent ang promotion ng asawa
ng ate ko. Ang usapan ay hati sa kikitain.
Madali ba para sa iyo ang pagpasok sa negosyong ito?
Six
months lang akong nag-handle. Umuwi ako ng Pilipinas at ibinigay
na lang namin ang omise sa asawa ng ate ko. Pero sa panahon
na iyon, kumikita ang omise, malakas.
Sa tingin mo, bakit kumikita ang negosyong ito?
Dati, maganda pa ang ekonomiya ng Japan. Kaya lang naman
namin binitawan ang omise ay dahil hindi kami naging masaya
sa partnership arrangement. Pero kami ng ate ko, OK kami.
Ang sistema rin nga sa kanya ay sinusuwelduhan lang siya ng
asawa niya. Malaki naman ang suweldo, pero hindi proportional
doon sa kinikita ng omise.
Bakit gustung-gusto ng Hapon ang omise?
Ang Pilipina kasi hard to get. Compared to Japanese women
who are materialisitic, Filipinas can easily be satisfied
with small gifts. May hiya ang Pilipina tungkol sa bagay na
iyan. May pride sila.
Mali ba ang karaniwang impression na masagwa ang ginagawa
ng mga Pilipina sa loob ng omise?
Hindi naman lahat ng talent ganoon. Lahat ng talents ko majime.
Nasa paghahandle ng club owners yan, sa management system.
Halimbawa, kung ang sistema ay bibigyan mo ng quota sa dohan
ang mga talent sa loob ng isang linggo, mapipilitan silang
gumawa ng kalokohan. Kung aasa lang sila sa suweldo, napakaliit,
wala silang maiuwing pera. Mas kumikita pa nga ang mga managers
sa Pilipinas kaysa sa mga babaeng nagtatrabaho sa Japan. Kaya
ang iba ay napipilitang makipag-boyfriend para lang magkapera.
Sa sitwasyon na ito nagmumula ang ganyang masamang impresyon.
Depende sa tao ito. Kung sa sistema ng club, hindi policy
ang pagdo-dohan, hindi nila gagawin ito. Hindi rin gusto ng
mga babae ito, lalo na pag-first-timer.
Noong una kang naging mama-san, hindi ba halos kaedad
mo lang ang mga talento? Hindi ka ba nahirapan?
Noon 22 lang ako. Pero uso noon ang 18 na talento. May experience
na rin naman kasi akong maging chimama sa ibang omise bago
ako pumunta sa omise sa ate ko kung saan naging chimama rin
ako.
Bakit kayo umuwi ng Pilipinas?
Bumili kami ng bahay doon. Buntis na rin kasi ako. Ang asawa
ko naman ay pinagpatuloy niya ang totoong hanapbuhay bilang
engineer, isang contractor sa road construction. Sumunod na
lang siya sa akin. 2~3 years ako sa Pilipinas, at ang asawa
ko mga 2 years din. Nagpundar kami ng negosyo roon10
taxi units at reproduction ng video tapes. Malakas nga.
Kung
kumikita na kayo roon, bakit pa kayo bumalik ng Japan?
Maraming dahilan. Naholdap ang taxi. Maraming utang ang mga
drivers sa amin. Hindi sila nagre-remit nang tama. Mahirap
mag-maintain ng ganitong business. At higit sa lahat, hindi
sanay ang asawa ko na walang ginagawa. Natuto nga siyang mag-casino
roon.
Paano kayo nagsimula ulit sa Japan?
Nagpart-time ako sa ate ko bilang chimama. Ang mister ko
naman bumalik sa buy-and-sell ng lupa. Kaya lang mahina na.
1995 nang magpasya kaming magbukas ng omise, Viva Star, sa
first floor ng isang hotel. Pero nagclose din yon dahil na-check
ng Immigration. Nagkataon nang pumasok sila nakita nilang
nakaupo ang isang talento sa table ng tumer. Bawal kasi ito.
Wala kasing fuzoku ang lugar. Nang umuwi ang mga talents after
three months, isinara na rin namin ang omise. Bumalik na lang
ako sa omise ng ate ko at nagtrabaho roon nang ilang buwan.
Paano kayo nakapagbukas ng napakalaking omise (Viva Star)
pagkatapos noon?
Hindi kasi alam ng asawa kong nag-iipon talaga ako. Ang sinabi
ko lang umutang ako sa ate ko. Ang totoo noon ay ¥5 milyon
sa sariling pera ang inilabas ko, at nag-raise din siya sa
sarili para sa pagpapaayos ng loob. Dito na talaga kami sinuwerte.
Wala kasing ibang club sa lugar na ito (Yatabe, Tsukuba City).
Ang pinakamalapit ay mga 10 km away. Maraming talents sa Viva
Star, 15~17. Mas gusto ng tumer ang talent. Mas marami, mas
gusto nila kasi pag kaunti, parang malungkot ang omise.
Bakit mas gusto ng customer ang talent kaysa sa arbaito?
May kontrata ang talent ng 6 months, pagkatapos noon ay umuuwi
na. Ayaw ng kustomer ng zutto. Nakakasawa raw. Ang mga customer
na paruparo, gusto rin nila iba-iba ang nakikita. Kapag talent,
hindi masyadong magastos. Halimbaway kung sa zutto ay
kailangan nilang magbigay ng 1-man, sa talent ay 1-sen masaya
na.
Continue to next page
Back to top
|