|
Elizabeth Oropesa,
ikinasal sa bf na 23-anyos
 |
|
Elizabeth Oropesa
|
"Elizabeth Taylor of the Philippines" ang bagong
titulo ni Elizabeth Oropesa dahil sa hilig nito sa mga lalaking
mas bata sa kanya.
Pangalawang asawa na ni Elizabeth, 48, ang 23-anyos na si
Joel Valdez na isang physical therapist. Ikinasal sila kamakailan
sa Eastern Samar kung saan lumaki si Joel. Nagkakilala ang
dalawa sa isang gym kung saan miyembro si Elizabeth at fitness
instructor naman si Joel. Nahulog raw ang loob ni Elizabeth
kay Joel dahil mahal raw nito ang anak nitong si Gabriel at
sinusuyo pa nito ang ina ni Elizabeth.
Bago kay Joel ay na-link si Elizabeth kay Gardo Versoza at
Danny Ramos. Ang unang asawa niya ay si Meng Fei na isang
Chinese Martial arts na aktor.
Romano Vasquez, GRO
 |
|
Romano Vasquez
|
Unang naging laman ng mga blind items ang balitang may isang
aktor/singer na dating miyembro ng isang sikat na afternoon
show na GRO na lang ngayon sa isang gaybar. Dahil ilang sikat
na celebrities ang dumayo roon ay kumalat ang balita hanggang
sa mapatunayan nga na totoo ito at nalamang si Romano Vasquez
ang nasabing aktor. Hindi raw ikinahiya ni Romano ang trabaho
dahil naranasan na raw nito ang iba't-ibang trabaho
katulad ng pagiging construction worker at maging hosto sa
Japan na walang ipinagkaiba raw sa pagiging GRO.
Samantala ay GRO rin daw ang apo ni Dolphy na si Miko Quizon
na sinasabing anak raw ni Freddie Quizon. Papasok na rin daw
ito sa showbiz sa pamamagitan ng pagpapaseksi. Ayaw namang
maniwala ni Jeffrey Quizon na kamag-anak raw nila ito. Kung
gusto raw nitong mag-showbiz ay sana nagpakilala raw ito sa
kanila at natulungan daw nila.
Assunta, ikakasal na sa Dec. 14
 |
|
Assunta de Rossi
|
Taliwas sa unang napabalita, hindi sa Nobyembre 4 ang civil
wedding ni Assunta de Rossi kay Congressman Jules Ledesma
kundi sa Disyembre 14 na. Ito ay sa dahilang hindi nakuha
ni Assunta ang "certificate of eligibility" mula
sa Italian embassy bago sila pumunta ng Negros para sa Todos
Los Santos. Gaganapin ang kasal sa Executive House sa San
Carlos City, Negros Occidental dahil gusto ni Jules na maganap
ang seremonyas sa lugar kung saan siya inihalal sa kongreso.
Limang mayor ng Negros (mula sa San Carlos, Calatrava, Toboso,
Escalante at Don Salvador) ang mag-o-officiate sa kasal. Pagkatapos
ng kasal ay tatlong buwan silang mag-ho-honeymoon habang nag-cru-cruise
sila around the world.
Walong buwan pa lang ang relasyon nila pero handang-handa
na raw si Assunta na maging ganap na Mrs. Ledesma. Simula
2003, bilang isang kabiyak ng isang Congressman, hindi na
tatanggap si Assunta ng mga bold na pelikula. Huli na raw
ang pag-bo-bold niya sa "Bahid" na ipinalabas
kamakailan.
Back to top
Page 1
2 3
|