 |

DROWN
Like you, I, too, am hurting
Ripping emotional turmoil
Bleeding, while whimpering, ashen
Pale face looking up the
Sky, to the starless night, bewail
Grief, absorbing, casting my sails
To the winds of frustration,
Lamenting, decaying, feet
Pushing up the ground, a pale
Silhouette against the purple sun
Drops of rain splatter, slain
Drowning me in grievous cloak
Insanity, suffocating, strangulating
My breath in careful measures
Like the quivers of my skin
Mata
Mata, nakatingin
Nagtitigan na agad namang
Binabawi. Nanlulumo
Naiidlip at minsa'y
Nanlilisik ... dinidighay ang
Mga suliranin. Minsa'y
Namumula na parang bilasang
Isda at inaagiw ng pangitaing
Hindi naman nakikita
Sulyap sa kanan, sa
Kaliwa. Ipikit ... idilat
Mata ng kamunduhan
Sa itaas, pabulusok sa ibaba
At kung gusto'y ipinupungay
Sa paraang mapang-akit,
Nakatuon, nakalalason
nakadantay ang paningin sa
Kung anu-anong sipatin
Nakakaluwa, nakakapatay kung
Ang pagtuonan ay may
Tilamsik ng kawalan
Malalim ang buhay, ng
Paraan ng pagkabuhay
Ng pinagmulan at ng
Patutunguhan ... at ng kung may
Ilang daang kilometro na
Ang nilakad, at lalakarin
Ng kung ilang libong pahina
Na ang nilustayan ng pagtuon
Ng kung ilang libong hugis ng ulap
Na ang nabilang, at kung ilang
Bulalakaw na ang namanghaan
At sa huli ay ang mga mata
Pa rin ang magsasara ng kamalayan
At ng buhay habang mariing
Dumadaloy ang mga
Patak ng luha ...
maalat na parang dagat.
We
welcome our readers to contribute their poems to Philippines
Today Online. If you would like to submit your poem for
posting at this section, please use our Submission
Form.
|